Kapag nagmahal ka, siguraduhin mong handa kang harapin lahat ng pagsubok na darating.
Dapat kaya mung tiisin lahat ng sakit na mararamdaman mo.
At dapat handa kang ipaglaban siya sa kahit na sinong babalakid sa inyong dalawa.
Pagdating sa pag-ibig, wala kang karapatang magreklamo.
Ngunit may karapatan kang magsalita. . .
Naranasan mo na ba ang:
1. Matarayan ng partner mo sa harap ng maraming tao?
2. Maiwanan mag-isa habang kasama niya ang mga kaibigan niya?
3. Masungitan ng partner mo sa text, habang siya ay natutuwa ka-text ang iba?
4. Maghintay sa labas ng bahay nila ng hatinggabi para lang makausap siya?
5. Umuwi mag-isa dahil nag-away kayo, at ayaw ka niyang kausapin?
6. Mababaan ng telepono dahil sa inis niya sayo?
7. Masampal sa mukha?
8. Mamura ng maraming beses dahil sa kasalanang hindi mo naman ginawa?
9. Habulin ang partner mong nag walk-out dahil masama ang loob sa’yo?
10. Masabihan ng “TANGA”?
Naisip mo na bang magpakamatay dahil sa sakit ng mga sinabi niya sa’yo?
Nasubukan mo na bang hindi kumain sa loob ng dalawang araw dahil nakakulong ka sa kwarto mo?
At wala kang ibang ginawa kundi basahin ng paulit-ulit ang text niyang . . .
“Galit ako sau! Ayoko na! Mabuti pa sigurong lumayo muna ako sayo.”
Nagawa mo na bang mag-lakad pauwi ng dyis-oras ng gabi dahil binigay mo ang pera mo sa kanya?
Nasubukan mo nang magsinungaling sa magulang mo para pagtakpan siya?
Eh ang magsinungaling sa pamilya niya? Nagawa mo na?
Umiyak ka na ba nang dahil sa kanya?
Umiyak ka na ba sa harap ng maraming tao?
Naisip, nasubukang gawin, nagawa, at naranasan mo na ba lahat ito?
Nakaya mo ba?
Nakaya mo ba nang hindi mo naiisip na iwanan siya?
Hindi masama ang magmahal ng sobra.
Hindi rin naman maganda ang magmahal ng kulang.
Kung kaya mong tiisin lahat ng sakit, lahat ng hirap, tiisin mo.
Huwag mong pigilan ang sarili mong magmahal.
Hindi mo matatawag na martir ang taong handang hamakin ang lahat para sa taong mahal niya.
Kung nagmamahal ka,
Kahit ano pang patalim ang itusok sa’yo,
Handa mong tanggapin maproteksyunan lamang ang taong mahal mo.
Kung iniisip mong pagiging martir ang pagtitiis ng lahat ng sakit at hirap para sa taong mahal mo. . .
Maging karapat-dapat man siya o hindi para sa iyo.
Nagkakamali ka. . .
Hindi ka martir. . . Nagmamahal ka lang.

