DOTA scenes…

Posted in World of Games on Enero 3, 2010 by Mai

Sa tuwing maglalaro ako ng DOTA sa computer shop, kasama ang mga taong naging parte ng buhay-dota ko (wenkz) marami akong naeexperience na mga bagy-bagay na di mo aakalaing dito ko lang mararanasan… Nariyan na yung mga sigawan ng mga naglalaro, na akala mo ay nasa isang casino na napakalaki ng pusta.

“First Blood!”

Iyan ang mariririnig mo sa mga speakers ng mga pc ng mga naglalaro ng Dota kapag may hero na namatay.  Kadalasan, itong titulong ito ang pinag-aagawan nila. Kahit ako di ko rin alam kung bakit. (hehe)

“Killing Spree!”

Matapos mong marinig ang First Blood, killing spree naman. Kapag narinig mo na ito, kasabay mo ring maririnig ang mga boses ng mga manlalaro kasama na ang mga manunood. “Ayun oh? killing spree na siya!”- itong linya na to ang kadalasan mong maririnig.

“Mega Kill!”

Kapag ang isang hero ay nakapatay na ng limang kalaban (ang iskor niya ay 5-0), mega kill naman ang maririnig mo. Wala namang nakakaexcite dito. Hehe. Un nga lang, kapag narinig na ito, gaganahan na lalo maglaro ang mga kalaban para mapatay ang herong iyon.

“Dominating”

Dominating. Marinig mo pa lang di ba nakakatakot na? Parang gusto ka nang kainin ng buong buo. Nagsisimula ng kabahan ang mga kalaban ng player na nakadominating sa puntong ito.

“Wicked Sick!”

Sa puntong ito ay pagpapawisan na ang kalaban ng naka-wicked sick dahil malamang ay kinakailangan na nilang gumawa ng isang malupit na stratehiya upang mapatay at mapigilan sa paghahari itong player na ito.

“Unstoppable!”

Mauuna ang unstoppable sa wicked sick. Pero sinadya kong isunod ito dahil sa puntong ito, hindi pa rin mapigilan sa paglakas ang hero ng player na ito.

“Monster kill!”

Sa totoo lang, hindi masyadong nakagimbal ang titulong ito, ang monster kill. Bakit? Kasi halos lahat ng character sa dota ay monster! Kahit yung mga creeps. Kaya hindi ako masyadong natatakot sa monster kill. (corny na kung corny…hehehe).

“GODLIKE!!!”

Heto na! Natatakot na ba kayo sa titulong ito? Dapat lang! Dahil kapag narinig ng mga manlalaro ito ay magkahalong emosyon ang kanilang nararamdaman! (gumaganun pa?). Sa kakampi ng nakaa GODLIKE, magkahalong excitement at kaba ang naramdaman. Bakit? Excitement kasi lumalakas na ang kampi nila. Kaba dahil anytime of the game, ang pag-asa nila ay pwede pang humina at mabaliktad pa ang laro. Kaya’t kapag ako ay nakaka GODLIKE, ay hindi agad ako nagpapakasaya.

“HOLY SHIT!!!” (Beyond Godlike)

Isipin mo na ang gusto mong isipin. Basta sa puntong ito ay umiingay na ang paligid ng computer shop dahil sa mga sigawan ng mga naglalaro. Isipin mo na lang kung gaano kagaling ung makaGODLIKE, eh ang maka BEYOND GODLIKE pa kaya? Maaari ka ng maging kampante sa puntong ito.

Astig no? Akalain niyong ng dahil sa dota ay natutu akong mag obserba ng mga tao. Sa totoo lang ay hindi lang naman pagsasayang ng pera at panahon ang larong dota. Totoong nakaka adik ito, sa simula. Pero kapag natutunan mo na ang tunay na halaga ng larong ito ay hindi mo rin masasabing naadik ka na dito. Ang hindi lang alam ng marami ay may maganda ring naidudulot ang Dota sa isang indibidwal. Kung gusto niyong malaman kung anu-ano ang mga benefits na iyon, subukan niyong magtanong sa mga kakilala niyong naglalaro ng DOTA.

Tara! DOTA na!!! 🙂

Advertisements

Roots of Existence

Posted in unidentified on Disyembre 24, 2009 by Mai

Landed between Pandacan and Sta. Ana

A beautiful place named PUNTA

Surrounded by the beauty of Pasig River,

A spot you’ll remember forever.


Deep in the heart of this place

Simple life portrays the ingenuity of our race.

Living and surviving, going with the world as it flows.

No one dares to peek in it, nobody knows.


Though hidden between the crowded city

This tiny dot proves everything in the vicinity

From excellence to patriotism

Every citizen marks the blood of our country.


In a dream, I once saw

Our place fleeting away as I row

The river of life flowing towards modernity

Hoping our place can cope, hoping for the possibilities.


-Mai

D.O.T.A.

Posted in World of Games on Nobyembre 14, 2009 by Mai

Alam mo ba kung ano ang DOTA? May  ideya ka ba kung ano ito?

Tao? hindi.

Hayop? hindi.

Lugar? hindi.

Pangyayari? hindi.

Pagkain? hindi.

Bagay? pwede. Bagay na makikita sa loob ng bahay? pwede!

Sa kusina? hindi.

Sa kwarto? pwede. Kama? Hindi! Unan? hindi

Appliances ba ito? hindi.

Kisame? bintana? pintuan? pinto? pader? wallpaper? picture frame? alarm clock? radyo? tv? study table? Lamp shade? ceiling fan? Anu ba ito? (nalilito)…

Bagay ba ito? OO! sa loob ng bahay, sa kwarto, pero hindi appliance? hindi! eh anu toh?…

(makalipas ang dalawang minuto…)

Isipin mo na lang kung ganito ang pahulaan sa inyo ng partner mo sa “Pinoy Henyo”. Ewan ko na lang kung makasagot kayo agad.

Teka, anu nga ba ang DOTA? Ito ay isang larong nilikha noong (hmm.. kelan nga ba?) basta! Bigla na lang nakita ko itong patok na patok na sa mga hayskul noong ako ay nasa hayskul din (at isa ako sa mga naadik dito noon…hanggang ngayon naman eh). Masasabi kong isa itong strategy game dahil bawat manlalaro ay pinagiisipang mabuti kung anu ang gagamiting hero, na kung saan ipantatapat nila sa kanilang kalaban. Kadalasan, limahan ang larong ito. Pero pwede rin ang tatluhan o apatan.

Ang DOTA marahil ay isa na sa pinakamalaking online game sa buong mundo. Online dahil sa Garena o iyong network na nagkokonek sa mga manlalaro ng iba’t ibang bansa. Sa dami ng naglalaro nito, kasama na dito ang ilang kababaihan at mga bata (10 years old and below), mayroon na itong mga nagawang tournaments, local at international.

Imagine? Kahit bata? Naglalaro na ng DOTA? Sa edad na 8, marunong nang makipaglaro sa mga binatang player ng DOTA? Isipin mo na lang kung paanong nakakaimpluwensya ito sa mga kabataan. Sa dami ng mga larong sumikat, para sa akin, ito na ang talagang nakakaadik. Nakakaadik dahil tuwing maglalaro ako ng dota sa computer shop, marami akong nakikitang mga estudyanteng naka uniform pa, marahil ay lunch break lang nila, at sa computer shop agad ang tuloy nila. tsk tsk.

Ang DOTA ay isa lamang laro.Sabihin man natin na hindi magandang impluwensya ito para sa mga kabataan, hindi rin natin masisisi ang lumikha nito dahil ginawa nila ito para kumita, at iyon ang paraan ng paghahanap-buhay nila. Wala namang masama kung ito ay tangkilikin, dahil kahit ano pa man ang mangyari, ang kinabukasan ng mga kabataan ay nasa kamay pa rin ng mga magulang nila. Tamang patnubay at lubos na pagmamahal ang kailangang ibigay ng mga magulang natin para hindi humantong sa panahon na mas pipiliin pa ng bata ang DOTA kesa sa PAMILYA niya.

DOTA magina

Magina (Anti-Mage) Dota Character

Babae: pwede rin kaming manligaw…

Posted in love is in the page on Nobyembre 14, 2009 by Mai

Una sa lahat, i-define muna natin ang salitang “panliligaw” . Ayon sa mga sabi-sabi noong unang panahon, ang panliligaw ay maihahambing sa isang ritwal na ginagawa ng lalaking naniningalang pugad sa babaeng kanyang itinatangi. (tl.answers)

Maraming paraan ng panliligaw. Ang pinaka common na paraan (pero luma na) ay pupunta ang lalaki sa bahay ni babae, magsasama ng mga kaibigan. Merong may dalang gitara, meron may dalang tambourine, meron ding may dalang patola, na magsisilbing mikropono ng kakanta. At may mahabang patpat pa na itatali naman sa patola para maging “mic stand” ng manghaharana (take note: hawak lang din ng isang tao yung patpat.) Aawit ang grupo habang si babae ay nakadungaw sa bintana habang nakikinig sa kanila. (pero sa iba nakatingin si babae dahil “shy-type” kunwari. Pero kunwari lang naman). Kakaibang kilig ang mararamdaman ni babae habang ginagawa iyon ni lalaki.

Napaisip lang naman ako, lalaki lang ba ang pwedeng manligaw? lalaki lang ba ang pwedeng umamin ng nararamdaman niya para sa taong mahal niya? Para sa akin, kapag nanligaw ka, ibig sabihin lang nito na malakas ang tama mo sa taong yun! At binabati kita dahil natuto kang magmahal.

Balik tayo sa sinasabi ko kanina pa. Hindi ba pwedeng manligaw ang mga babae? Pwede naman ‘di ba? Bakit ka mahihiyang manligaw kung alam mo namang ma didisappoint ka lang lalo kung hindi mo makukuha yung guy na iyon, at ang masaklap pa doon, wala kang hakbang na ginawa. Nasa modernong panahon na tayo ngayon.  Maaring pangit na tingnan na ang babae ay makikita na manunuyo sa lalaki, pero, para sa mga taong marunong magmahal (tulad ko), sweet tingnan un. Ang cute kaya nun? Si Joan (gf ko), susuyuin ako? wah? Astig di ba?

Marami mang nagsasabi na hindi pwedeng manligaw ang mga babae, (pananaw nila un, wala na kong magagawa doon) hahaha…

Ngunit, subalit, datapwa’t.. hindi ba’t kapag nagkaroon ng lamat ang isang relasyon, na ang dahilan ay si babae, nararapat lang na suyuin niya si lalaki para muling manumbalik ang init ng kanilang pagmamahalan. Tama di ba? Since nagkaroon na ng gap sa kanilang relasyon, kailangan na isa sa kanila ay gagawa ng move para maibalik sa dati ang relasyon nila. Since kung si babae ang naging dahilan, siya ang nararapat na gumawa ng first move.

Tama ba?

Well, un lang ang masasabi ko…

Just Love, and Be Loved.

Posted in love is in the page on Nobyembre 14, 2009 by Mai

“When you are in love, there’s only one thing you have to do. That is to give your best! Huwag kang matakot ibigay ang lahat sa taong mahal mo.”

These lines made me get up and sit on the side of my bed, as I listen to my favorite night program in the radio. Sabihin na lang natin na nakakarelate ako (and for sure, yung libu-libong taga-pakinig din) sa mga kwento ng mga caller, at doon sa mga advices coming from the DJ. It was really a calm and solemn night, and since matutulog na sana talaga ako, pero naisipan ko lang magbukas ng radyo. Past 12 am na kasi nun.

After I heard those lines, something comes into my mind. I wonder…

Why do people tends to love, yet they only give a part of their love, or maybe, they give most of their love, but they still left a little for themselves?

Siguro iniisip nilang magtira kahit kaunting love sa sarili nila, para sakali mang iwanan sila ng taong minahal nila ng lubos, at least, may naiwan sa kanila, may natira, and besides, less pain na rin marahil. Pero, do they know that it is more painful, and it hurts more when their relationship ends up knowing that they did not give their best? It is harder to accept that your relationship ends up even though you knew to yourself that you should have given all. Nakaka kunsensya kaya un. It is true that when you love, you give and give, not give and take. And when you love, you should know that you will be hurt. You should expect that. Its part of loving. So why won’t you give all the love that you have? Isn’t it less painful when a relationship ends yet they both know that they have given their best to each other? I think it is better to give the best love that we have when we fall in love. Because when we are in love, we just love without expecting anything in return. Though most of the time, we receive love in return, but we should not expect to be loved like how we used to love. Remember that each individual is unique. No one else can love like how others do. That’s because we are unique. So when you love, give your best. don’t be afraid to give everything. Mas masarap nga namang magmahal ng sobra kahit alam mong wala ng matitira sayo, dahil alam mo sa sarili mong hindi ka nagkulang sa kanya. (sobra pa nga di ba?). Kaya pag ikaw ay nagmahal, just love, and be ready to be loved.

CUTE-1

Alone in the dark

Posted in unidentified on Nobyembre 13, 2009 by Mai

Alone in the dark you can see nothing.

Alone in the dark you can see no light

Alone in the dark you feel like abandoned,

no one can hear you except for yourself.

Alone in the dark you don’t know what to think

and what’s the best thing to do.

Alone in the dark, you don’t know what to feel

‘coz you are blinded from what is real.

Alone in the dark you can’t see you actions,

but you know that you are moving, and yet, your movements are limited.

Alone in the dark, your steps are counted.

You don’t know what surrounds you,

and what danger will it brings.

Alone in the dark, you can think of your love ones,

but all you can do is to cry, all you can ask is ‘why?’.

Alone in the dark; you may wish to die.

But you don’t know how to say goodbye.

Alone in the dark, you wish to see a spark,

to give you hope, to pursue your life.

Alone in the dark you are hopeless,

you are weak, you are powerless.

Yet you fight your emotions to stay strong.

Alone in the dark, there’s no one to talk to…

no one will hug you, no one will wipe your tears.

Because alone in the dark…

you are ALONE. Indeed.


darkness

Silent Love

Posted in love is in the page on Nobyembre 5, 2009 by Mai

sweet pix

Everytime I look at you

I feel that I am blessed

For knowing someone like you,

What else can I say?

Your smile melts my heart

Your voice makes it pound.

But when I open my mouth

I can’t make any sound…

How can I tell you

how much I love you?

I’ll keep on turning, turning, turning around

just to see your smile

I’ll keep on running, running, running unto you…

just to hear your voice

‘Coz every time you’ll walk away…

I will follow you…

Just to keep this silent love I feel

For You…

All the time you are with me…

I feel I feel so very happy.

And when you start to say a word…

oh no…

your lips are turning gold…

Your eyes are like stars,

that fall into the ground.

And then I’ll keep staring

while you are talking..

I wish you’ll be mine…

that’s what I’m dreaming.